Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Muscala ‘granda’ ng Thunder

0 223

Nag-rally mula 22-point down ang Oklahoma City Thunder para itumba ang Miami Heat 116-115 Miyerkoles ng gabi sa 74th NBA 2019-20 seeding game sa Orlando, Florida.

Bunga ng panalo, naikasa ang showdown ng Houston at OKC sa first round ng playoffs. No. 4 ang Rockets, No. 5 ang Thunder pero walang home-court sa bubble.

Ang hindi akalaing kabayanihan pa ni Mike Muscala ang nagtulak sa Thunder sa panalo, 5.4 seconds sa orasan nang ibaon ng big man ang 3 sa harap ng dalawang Heat defenders.

Na-outscore ng OKC ang Miami 34-15 sa fourth.

Mainit ang laro, sa isang yugto napikon si Thunder veteran point guard Chris Paul at binato ng bola si Duncan Robinson.

Hindi nagustuhan ni Jimmy Butler ang ginawa ni CP3.

“You mess with one of my guys? … Then you gotta deal with me,” ani Butler.

Nagsumite ng 21 points at 9 rebounds si Darius Bazley para giyahan ang Thunder, may 18 si Shai Gilgeous-Alexander. Umayuda ng 14 si Danilo Gallinari at tumapos si Paul ng 12 points, 7 rebounds.

Binitbit ng 30 points ni Tyler Herro ang Miami. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.