Abante Tonite Interactive

Muslim tinodas habang kasama si misis

401

Patay ang isang 31-anyos na Muslim matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang naglalakad kasama ang kanyang misis kahapon nang madaling- araw sa may Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PCpl Mark Daniel de Guzman, ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang biktima na si Abdul Bayan, residente ng No. 81 Block 7 Baseco Compound, Port Area, Maynila na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nabatid na dakong alas-3:24 nang mada­ling-araw nang ideklarang patay ang biktima habang inooperahan.

Sa imbestigasyon, naglalakad umano si Bayan at misis nito nang lapitan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ng kanyang misis habang nakatakas naman ang dalawang suspek na kapwa armado ng 9mm na baril.

Nakakuha ang pulisya ng limang basyo ng .9mm baril sa crime scene. (Juliet de Loza-Cudia)