Abante Tonite Interactive

Must-win ang PSL-F2 Logistics

136

Mga laro ngayon (MOA Arena)
10:00 a.m. — Bangkok Glass vs. Hisamits­u Springs
1:00 p.m. — Rexona-Sesc Rio vs. Eczacibas­i VitrA
4:30 p.m. — Volero Zurich vs. Vakifbank Istanbul
7:30 p.m. — PSL-F2 Logistics vs. Pomi Casalmaggiore

Top two teams lang sa bawat grupo ang sasampa sa semifinals pagkatapos ng preliminary round ng FIVB Women’s Club World Championship.

At dahil yumuko sa unang asignatura, must-win ang PSL-F2 Logistics na sikwatin ang panalo kontra Pomi Casalmaggiore para manatili ang asam na umentra sa susunod na yugto sa Pool A.

Lugmok din sa unang laro ang 2016 European champions Pomi Casalmaggiore.

Luhod sa tatlong sets ang PSL-F2 Logistics Manila sa 2016 South American champions at powerhouse Rexona-Sesc Rio, 25-15, 25-13, 25-20 noong Miyerkules sa Mall of Asia Arena, hilahod ang Pomi Casalmaggiore sa Eczacibasi VitrA Istanbul 17-25, 18-25, 15-25.

Pitong local players at pitong foreign netters ang bumubuo ng PSL-F2 L­ogistics Manila.

Sina skipper Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Jaja Santiago, Kim Fajardo, Mika Reyes, Ces Molina at Jen Reyes ang mga Pinay spikers, imports sina Stephanie Niemer at Lindsay Stalze­r ng United States, Lynda Morales ng Puerto Rico, Tichaya Boonlert ng ­Thailand, Yuri Fukuda ng Japan, Yevgeniya Nyukhalova ng Ukraine at Ekate­rina Krivets ng Russia.

Solo sa top spot ng Pool B ang Volero Zurich­ (2-0) matapos pasukuin ang Hisamitsu Springs (0-2) 25-19,25-15, 25-17 kahapon.