Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mutya grasya sa mga yakman

0 52

NI: NONIE NICASIO

Ibang klase ang lakas ng hatak sa mga kalalakihan ni Mutya Johanna Datul. Ito ang makikita sa kanyang Instagram account.

Tunay na sagana sa kariktan ang dating beauty queen. Lumutang pa ang suot niyang hot na hot na black swimsuit.

Sadyang katakam-takam pagmasdan si Mutya. Ang kakaibang taglay niyang beauty, plus ang whistle bait na wankata ay isang magandang tanawin para sa maraming kalalakihan.

Sobrang puti niya at certified flawless. Tunay na grasya sa mga yakman ang babaeng tulad niya.

Siya ang nanalong Binibining Pilipinas Supranational noong 2013 and later, bilang Miss Supranational 2013 sa Minsk, Belarus.

Si Mutya ang first Asian at Pinay na nanalo rito. Bukod sa pagiging beauty title holder, si Mutya ay isa ring aktres, na napanood sa pelikulang ‘Indak’ nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Palaban ang taglay niyang alindog. Animo siya isang mabango at matamis na bulaklak na hahanap-hahanapin at type ng mga matutulis na bubuyog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.