Abante Tonite Interactive

Muyang, Letran ginarote ang Baste

233

Tumagpas ng tig-15 markers sina Larry Muyang at Edson ‘Bonbon’ Batiller sa paggiya sa Letran Knights na paghimagsikan ang first round ­tormentor San Sebastian Stags, 99-82, sa pangatlo’t ­huling laro ng 95th NCAA men’s ­basketball tourney 2nd elims Biyernes nang gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

May 12 points bawat isa sina Fran Yu at ­Jerrick Balanza upang ‘di lang ­makaresbak sa Baste kundi makabangon mula sa double overtime loss sa Mapua Cardials sa nakalipas na linggo at umangat sa solo third sa 8-4 win-loss slate, hinaltak pababa sa 4th ang biktima sa 7-4.

“Coming from a bad loss walang ibang ­puwedeng isipin kundi ito play hard and good defense,” suma ni winning coach Bonnie Tan. “It’s not about kung sino yung ilan dapat maka-score in individual play, it’s more on individual defense.”

Nawalang saysay ang kinamada ng nagdaang linggong player of the week na si Allyn Bulanadi para sa Quiapo-based cagers na 20 points at 5 dimes upang ipagpatuloy.

Sa iba pang mga aksiyon. Nagsanib puwersa sina Mike Nzeusseu at Jaycee Marcelino sa 36 pts. at 17 boards para singitan ulit ng Lyceum Pirates (9-3) ang Benilde Blazers (6-5), 85-83;

At nagsabwatan sina Noah Lugo at Warren Bonifacio sa 29 pts. upang muli ring itumba ng Mapua Cardinals (5-6) ang Aguinaldo Generals (1-11).

Ang iskor:

Letran 99 – Muyang 15, Batiller 15, Yu 12, Balanza 12, Ambohot 11, Caralipio 8, Ular 7, Mina 7, Olivario 4, Sangalang 4, Balagasay 2, Javillonar 2, Reyson 0, Guarino 0, Pambid 0
SSC-R 82 – Bullanadi 20, Capobres 16, Calma 10, Calahat 10, Ilagan 8, Desoyo 6, Sumoda 5, Isidro 4, Tero 3, Villapando 0, Altamirano 0, Cosari 0, Loristo 0, Suico 0. (Aivan Denzel Episcope)