Abante Tonite Interactive

MVP o hindi, Fajardo gustong mag-improve

219

Sa isang pambihirang pagkakataon, mukhang dudulas sa kamay ni June Mar Fajar­do ang Most Valuable Player (MVP) award para sa 2017-2018 PBA season.

Sa release na inilabas ng PBA bago matapos ang taon, napanatili ni NorthPort guard Stanley Pringle ang statistical lead kontra Fajardo, may average na 35.5 points si Stanley habang may 33.1 points si Fajardo.

Bagama’t isa lang sa mga criteria ang statiscal points sa pagpili ng MVP ng season, kayang-kaya pa nitong makahabol.

Para kay four-time MVP Fajardo, kung sinoman ang tatanghaling MVP ngayong season ay walang duda aniya na ito ang pinakamagaling sa liga.

“Kung sino manalo dun [MVP], deserve niya,” wika ni Fajardo sa panayam ng ABS-CBN.

Hindi na rin aniya masyadong pinagtutuunan ng pansin ni Fajar­do ang mga individual award at mas focus aniya siya sa pagpapa­lakas ng kanyang sarili.

“Siyempre kung makukuha ko ‘yun, blessing. Pinaghirapan ko naman eh. Gusto ko mag-improve every game, every confe­rence,” dagdag nito.

“Hindi ako magi­ging stagnant. Gusto ko mag-improve lagi, ‘yun ang goal ko. Hindi ko masyado iniisip ‘yung mga individual awards.”