Abante Tonite Interactive

MVP, PLDT-Salim ilalaban sa CA ang endo

By
728

Hiniling ng PLDT Inc., na pag-aari ng 71-anyos na binatang negosyanteng si Ma­nuel Pangilinan ang pag-rebyu sa desisyon ng Department of Labor (DOLE) na i-regular ang mahigit 7,000 empleyado.

Nauna nang naghain nitong Miyerkules si Pangilinan ng petition for certiorari sa Court of Appeals (CA) para rebyuhin ang desisyon ng DOLE.

Pero nitong Huwebes ay itinanggi ng DOLE ang motion for reconsideration ng PLDT kaugnay sa direktibang ipinalabas noong Enero 10 na nag-aatas sa kompan­ya na gawing regular ang mga empleyado.

Abante Hiring – IT dep

“We received, through our legal counsel, the decision of the DOLE Secretary last Monday, April 30th. After studying the decision with the assistance of our legal counsel, we decided to seek a review of the decision by the Court of Appeals,” ayon pa sa PLDT.