Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MWSS post kay ex-AFP chief Gapay

0 205

Ilang oras pa lamang na nagretiro sa military service, inalok na ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Gilbert Gapay ng puwesto sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa change of command ceremony na ginanap sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Huwebes, pinamili ng Pangulo kung gusto ni Gapay ang bakanteng puwesto sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) o kaya ay sa Department of National Defense (DND).

“Sir, after tonight, you might want, you might opt to take the MWSS post vacated by Gen. Salamat, or you might also choose to be on home ground sa DND, it’s your choice,” wika ng Pangulo.

Natapos na ang panunungkulan ni Gapay sa AFP epektibo nitong Huwebes, Pebrero 4, at pinalitan siya ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

Sa talumpati ng Pangulo, kinilala nito ang tagumpay ni Gapay sa kampanya laban sa insurgency at pagbabantay sa soberenya ng bansa.

Ipinakita rin aniya ni Gapay ang kanyang magandang liderato sa pagharap sa health crisis at maayos na pangangasiwa sa mga tauhan sa pagharap sa pandemya kahit pa malagay sa panganib ang mga buhay para lamang mapagsilbihan at maalalayan ang sambayanan.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.