Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MWSS sinita tubig ng Maynilad sa Las Piñas

0 132

Pinaiimbestigahan na ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Atty. Patrick Ty ang problema sa tubig ng mga residente ng Las Piñas na sakop ng Maynilad Water Services Inc. ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan.

Ayon sa MWSS regulatory office communications group, pinaimbestigahan ni Ty ang reklamo matapos makita ang larawan ng tubig na dumadaloy sa gripo ng mga taga-Almanza Dos sa Las Piñas na kakulay na ng tsaa o matabang na kape.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Enero 5 pa nag-abiso ang Maynilad na mawawalan ng tubig sa Las Piñas mula Enero 5 hanggang Enero 20 at nagpadala ito uli ng abiso nu’ng Enero 19 na mawawalan pa rin ang mga residente ng tubig mula Enero 20 hanggang Pebrero 15.

Sabi ng MWSS RO, mali ang ginagawa ng Maynilad na ora-orada na lang magpapadala ng mensahe para ipaalam sa mga residente na mawawalan sila ng tubig sa araw na iyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.