Abante Tonite Interactive

My beauty regimen

317

Ara Mina

Hello again Tuesday!
Eto po ako ulit para sa aking pa­ngalawang column. Ngayon po ay gusto kong ibahagi sa inyo ang aking­ beauty regimen.

Marami kasing nagtatanong sa akin kung ano ang mga ginagawa or ginagamit kong produkto. Unang-una sa lahat, paggising ko sa umaga maniwala kayo sa hindi ako po ay ‘di naghihilamos ng face.

Totoo po, kapag ako’y maliligo na dun ko na lang siya binabasa dahil sa kasa­bihan ng mga matatanda na nakakalabo ng mata ang maghilamos sa umaga hahaha! Naituro sakin ng mommy ko na galing din sa lola ko. So far, malinaw na malinaw pa ang aking mata.

Related Posts

Pagdating naman sa pag­linis ng mukha bago matulog ang ginagamit ko ay ang sarili kong produkto na Ara’s Secret Facial Cleanser­ (P95.00). Nilalagay ko siya sa cotton tapos ipapahid sa face matatanggal niya ang mga dumi sa iyong mukha at isusunod ko ang aking Clarifying Toner (P350.00) tapos yung All in One Cream (P480.00) naman. Nagla­lagay din ako ng eye cream.

Iba-iba ginagamit kong brand medyo may kamahalan yung iba at yung iba naman ay korean products.

Importante rin ang sabon na gagamitin niyo. Ok sakin ang mga papaya soap sa aking products meron akong 3 in 1 soap (120.00) ito ay ang Glutathione, Calamansi at Kojic. Puwede niyo itry ang Ara’s Secret products ko puwede rin kayo mag-try ng iba hanapin niyo po kung ano ang hihiyang sayo na produkto. Basta ang advice ko lang if sa isa hanggang dalawang buwan wala pang nangya­ring pagbabago sa iyo ‘yung produkto na ginagamit mo ay baka ikaw ay hindi hiyang. Anyway, sa susunod ulit.

Puwede niyo po ako i-email kung may nais kayong­ itanong pa or ma­laman. Eto po ang email amineentertainment@gmail.com. Sa mga nais bumili ng Ara’s Secret products ko mag-message lang po kayo sa 09178450579 or sa website www.arassecret.com