Abante Tonite Interactive

Myla babu sa PSL, sosokpa sa PSL

0 153

Nanulabog ang volleyball fans sa tweet ni Myla Pablo na ­nagpahiwatig nang pag-alis sa Motolite at ­kinaanibang Premier Volleyball League.
@iamMylaPablo: “Stay??????????”

Malamang na saloobin ito ng open spiker ng Power Builders tapos kapusin finals ng 3rd PVL Open Conference, winalis sa best-of-three semis ng ­powerhouse Creamline.

Nitong Miyekoles lang, nasayang ang binuhos na laro ni Pablo para maunahan ng BanKo ang Motolite sa best-of-3 Game 1 battle for bronze ng nasabing season-ending women’s indoor volleyfest.

Maaring napagod na ang former national player kaya nailabas ang nararamdaman sa kanyang social Twitter account.

Agad namang binomba iyon ng iba’t ibang komento ng mga volley fan.
@basherette2019: “Lipat na PSL.”,“Maganda addition ka sa @theSLREALTOR or @MarinerangPLS, mapapalakas mo sila,” ani @basherette2019.
@OneForNU: “foton.”

Susog ni @King1sraelMD: “Lipat sa petrogazz if PVL Cignal if PSL para lalong lumakas J”, @kenxmedrano: “omg lilipat ka na sa psl??

Dugtong ni @AkilaSerilda: “Lipat na Myla. Dun ka sa team na hindi nagchochoke at okay ang training and conditioning.”, “Foton needs you <3,” wakas ni @ohitsjmadove. (Aivan Episcope)