Abante Tonite Interactive

Mylene ayaw maging matrona ng bagets

530

May bagong pelikula ang maga-ling na actress na si Mylene Dizon na “Belle Douleur”. Tungkol ito sa May-December love affair.

Kabituin niya ang Kapamilya hottie na si Kit Thompson. Ito ay idinirehe ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso.

Sey ni Mylene, hirap siyang mag-relate sa kanyang role dahil sa totoong buhay, hindi pa raw nagkaroon ng karelasyon na malayo ang agwat ng edad sa kanya.

Ang natatandaan niyang nakarelasyon ay limang taon lang na mas bata sa kanya kaya hindi raw naman masasabing May-December love affair iyon.

Paliwanag pa niya, mas gusto raw niya ang mas may edad o kasingtanda niya para raw mature na ito at hindi nalalayo ang wavelength sa kanya.

Ayaw niyang maging matrona ng bagets.

Dalawa na ang anak ni Mylene at 14 years old na ang kanyang panganay na lalaki. (Archie Liao)