Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mylene handa ng makipagpaluan

0 353

Pinakita ni Philippine SuperLiga (PSL) star Mylene Paat ang mala-teksas na tindig sa pagpaparamdam na handa na siya sa hambalusan kapag nagbalik na ang nakansela noong Marso na 8th PSL 2020.

Pinost kahapon ng Cherry Tiggo Crossovers opposite hitter ang isang litrato niyang nakatayo sa palubog na araw at kita ang wastong porma na umani agad ng pansin sa kapwa mga balibolista.

Maaring natakam na sa pagbabalik aksiyon ang 26 na taon, 5-11 ang taas at tubong Bani, Pangasinan na dalaga tapos hilingin kamakalawa ni PSL chairman Philip Ella Juico sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease ang pagpapatuloy na sa liga. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.