Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Myrtle 3 buwang jobless

0 141

NI: ROLDAN CASTRO

Bagamat tatlong buwan na walang trabaho si Myrtle Sarrosa nilabanan niya na hindi mabagot at atakehin ng depresyon sa gitna ng pandemya.

Malaking factor daw ang pakikipagtsikahan sa mga kaibigan at kapamilya sa pamamagitan ng video call. Pati na rin ang paglalaro niya sa online.

“Hindi ako nagkaroon ng heavy anxiety or depression dahil I have a community of people I can talk to anytime,” sambit niya sa Zoom presscon para sa renewal ng contract niya bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkin.

Nakasama rin niya sa virtual mediacon si Ms. Aileen Choi-Go, ang VP for Sales & Marketing ng MegaSoft Hygienic Products, Inc.

Positive daw ang attitude niya sa nangyayaring situwasyon. Nandoon yung kabahan siya noong umpisa ng lockdown at tatlong buwan nawalan ng trabaho. Inisip din niya ang kinabukasan pero pinairal niya ang sinasabi nilang you have to find opportunities in crisis.

Tumulong din daw siya sa company ni Ms. Eileen para mapalago sa online ang negosyo nito. Nag-share siya ng knowledge niya kung paano idadaan sa online shops like Lazada and Shopee ang nasabing produkto. Kung paano maglagay ng content para sa online live streaming.Ginamit niya ang kanyang pinag-aralan bilang Broadcast Communications sa UP.

Anyway, nagpapasalamat si Myrtle dahil panibagong 4 years contract ang pinirmahan niya bilang ambassador ng Sisters Sanitary Napkin & Pantyliners. Sobrang happy siya at grateful sa tiwala na binigay ni Miss Aileen Choi-Go.

Leave A Reply

Your email address will not be published.