Abante Tonite Interactive

Myrtle at Erich giyera ng alindog sa socmed

By
18

NAKU ha, may away pala nga­yon sa social media kung sino­ ba talaga ang mas sexy- si Erich­ Gonzales o si Myrtle Sarrosa?

Para sa iba ay tila wala sa lugar ang comparison dahil magkaiba ang edad ng dalawa na hindi hamak na mas bata si Myrtle ng limang taon kay Erich.

Pero, dahil halos sabay inilabas ang daring and sexy photos nila ng magkaibang liquor brand na kanilang ini-endorse, hayun, pinagsabong na sila ng netizens.

May nagsasabi­ na mas fresh-looking­ si Myrtle, pero may nagsasabi namang may delicious-looking naman si Erich.

Sabi ng iba, boring ang ka­seksihan ni Erich dahil inilantad na nito ang katawan, samantalang mas misteryoso raw ang kay Myrtle dahil meron itong touch of millennia­ feel.

Ayaw namang patulan ng dalawa ang pagkukumparang ito sa kanila dahil pareho silang naniniwala na may kanya-kanya silang appeal upang makaakit ng mga kalalakihang bibili ng kanilang iniendorsong alak.