Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Myrtle expert sa laro

0 91

NI: Vinia Vivar

Marami ang hindi nakakaalam na dahil sa kanyang pagiging expert gamer ay nakakatulong si Myrtle Sarrosa sa kanyang mga kababayan.

“One thing na hindi alam sa akin ng mga tao is I’m a very competitive gamer,” aniya sa kanyang panayam sa In the Limelight ng GMA-7.

“Kasi kilala ako ng mga tao into cosplay bilang yung mga characters ko sa mga TV shows pero hindi nila alam, behind the camera, isa akong sobrang competitive na gamer.

“Tipong guild leader ako sa mga iba’t ibang guilds. Pumasok na ako sa top hundred sa iba’t ibang games sa buong mundo and sobrang proud ako sa naging achievements ko off my work,” sey ng Kapuso actress.

Ibinalita nga ni Myrtle na sa ngayon ay nakapagtayo na siya ng gaming store na nakakatulong sa mga tulad din niyang video gamers.

“Dahil dito sa naging achievements ko in gaming, nagkaroon na ako ng iba’t ibang opportunities para tumulong din sa mga taong into gaming at walang trabaho.

“Recently, nag-put up ako ng isang gaming store kung saan we help people to play and earn at the same time sa paglalaro ng iba’t ibang mga video games.”

Kaya naman masayang-masaya ang aktres na in her own little way ay nakakatulong siya sa mga tao.

“Sobrang proud ko lang kasi I did not expect na yung passion ko, yung interest ko, yung hobby ko in gaming would open opportunities for me to help so much people,” she said.

Pero siyempre, hindi naman pinapabayaan ni Myrtle ang kanyang showbiz career. Sa ngayon nga ay kasalukuyan siyang nasa lock-in taping ng Love, Die, Repeat drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado and Xian Lim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.