Abante Tonite Interactive

Myrtle masarap simsimin

0 562

Maihahalintulad sa bulkang Taal ang pagsabog ng alindog at kabanguhan ni Myrtle Sarrosa. Isa ‘yan sa katangian niya kaya mabenta siya sa mga endorsement.

Bahagi ng Instagram account ni Lolit Solis: “Meron na palang perfume na ini-endorse si Myrtle Sarrosa. Kaya tuwang-tuwa si Rose dahil mahal na mahal niya si Myrtle na alaga nila Aileen Go ng MegaSoft at Budingding na lola ni Sandara Park. Mabait na bata at nakatapos pa ng pag-aaral kahit busy sa showbiz, bagay daw sa personality niya ang Nouve Eau de Toilette perfume/cologne.

“Myrtle Sarrosa is a good model dahil nagawa niya pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Kaya una si Rose sa natuwa nang kunin endorser ng bagong product si Myrtle.”

Agree naman ang mga netizen sa sinabi ni ‘Nay Lolit.

@the_beachessa, “Etong si myrtle infairness marunong umarte napanood ko sya once sa kbo.”

@pretty_kulas, “i love her tlaga, hndi myabang, hellow, cum laude i think nong nag graduate sya sa UP.”

Anyway, dahil sa bagong endorsement ni Myrtle, humahalimuyak ang kanyang kapaligiran. Kahit mga bulaklak na naka-display sa kanyang bahay ay siguradong ubod ng bango dahil sa pag-spray ng kanyang ini-endorsong perfume. (Roldan Castro)