Abante Tonite Interactive

Mystica nagmakaawa kay Coco

By
2,258

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioPapatulan kaya ni Kuya Cardo o ni Coco Martin ang panawagan ni Reyna Splitera Mystica, na siya ay maipasama nawa sa walang makakabog na FPJ’s Ang Probinsiyano?

Sa true lang ba ang Instagram post na ito ni Mystica o baka naman poser niya ang may pakana nito?

Sabi ni Mystica sa IG, gusto niyang mai-extend sa kanya ni Rodel Nacieno ang kindness, generosity at oportunidad na ibinigay kay Whitney Tyson at sa iba pang mga dating artistang hindi na mga aktibo sa showbiz.

Malaking tulong daw sa pagbabalik showbiz niya kung sakaling maisasali siya sa pangmala­kasang show.

Ang mga hindi ko kinaya sa payanig ni Mystica, may titulo pala siyang rock diva, huh! ‘Yung Split Queen keribels pa. Eh yung karerang babalikan, meron ba talaga?

Kung makakarating kay Martin ang pakiusap, one of these days kaya, nasa Ang Probinsiyano na rin ang hitad?

Anong katauhan kaya ang bagay sa Reyna Splitera kung saka-sakali? A.) Drug pusher o runner na matotokhang? B.) Laos na club dancer na ang pinagkakaabalahan na ay jack off service sa mga sinehang malalaswa ang palabas na ang kinahinatnan ay nahuli in the act kaya kinulong at pinarusahan? O babaing baliw na magpapatiwakal by drowning herself sa Pasig River? Ano ito, tribute kay Clarissa Gargamonte of Kaya Kong Abutin Ang Langit? At bakit ang mga story arc example, laging pangtrahedya ang ending? Ang harsh naman! Hahahahaha!

Sa true lang, handa ba tayo, na gabi-gabi, mapanood natin ang isang aging at la ocean deep na singer? Daming tanong, para tuloy may national importance at relevance si Mystica.

 

Gloc-9 magreretiro

 

Mula noong marinig ko ang rap pink anthem na Sirena ni Gloc 9, naging silent admirer na niya ang diva that you love.

Kaya ngayong alam na alam ko na siya ang artist behind the theme song para sa anime program na Barangay 143, sure na ang all out support ko sa bago niyang likha, pati na rin sa anime, huh!

Pamilyado at may anak na si Gloc at excited siya venture niyang ito kasi, “Ang mga kids ko mahilig pong manood ng anime. Mahilig sila makinig sa music. Every time na may bago akong project, tinatanong nila ako kung ano ‘yun. Excited sila pag may bago akong ginagawa.”
Speaking of bagong projects, dagdag niyang kuwento, “May isang song akong nagawa for Julie Ann San Jose. Nakagawa na rin ako ng five songs so plano ko na maglabas ng maxi-CD.”

May totoo nga ba ang chikang gusto na raw niyang magretiro? Sagot agad ni Gloc-9, “Hindi ko naman talaga gusto mag-retire. Tinatanong ko ang sarili ko kung ito pa rin ba ang gusto kong gawin? Naghahanap din ako ng fresh ideas. Inabutan na rin naman ako ng edad. I will be 44 this October so nararamdaman ko naghahanap na rin ako ng bago. Ito pa rin ba ang rason ko kung bakit ginagawa ko pa rin ito?”

Pagtatapos ng artist rapper, “Hanggang ngayon nariyan pa rin naman ang passion at pagmamahal ko sa musika. Kung magiging kontribusyon ko sa industry ay makapag-produce ng ibang artists, ikakarangal ko iyon.”

 

Maine fan ni Anne

 

Ang fangirling ni Maine Mendoza, na may kuhang larawan matapos manood sa konsiyerto ni Anne Curtis, ang pa­ngalawang pangyayari na nagpangiti sa diva that you love.

Sa true lang, natuwa ako sa katotohanan na for all of Maine’s found success, yung paghanga niya sa isang artista na mas nauna sa kanya, patuloy pa rin pala.

Ang saya siguro na kung sa malapit na hinaharap, mapagsama ang misis ni Erwan Heussaff at ang Philippine Sweetheart sa isang fashion editorial o photo spread.

Wagi rin kung sa make up or lipstick advertisement sila magsasama o kaya sa isang pangmalakasang pelikula.

Parang bagay sa kanila ang The Devil Wears Prada para pasok sa equation ang fashion. Si Smith ang Miranda Priestly ni Meryl Streep at ang Anne Hathaway, siyempre pa si Menggay. Pasok na pasok sa kanila ang buhay ng mga millennial na yayamanin.

Sana nga mas marami pang bonding time na maganap kina Anne at Maine, Sana kasama rin si Erwan at ang kung sino mang lalaking nagmamay-ari sa puso ni Mendoza.