Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mystica, Neil kinuyog sa pamamaril ng pulis

0 3,581

NI: VINIA VIVAR

Kinuyog ng mga netizen sina Mystica at Mr. International 2014 Neil Perez dahil sa pakikisimpatya nila sa police officer na bumaril sa mag-inang Gregorio ng Tarlac.

Sa video ni Mystica na in-upload niya sa kanyang YouTube channel, malinaw na kampi siya sa police officer at sinabihan pang “pasaway” ang mag-inang Gregorio.

“Lalong-lalo na ‘yung lumapit anak at sinabi na ‘My father is a policeman,’ so meaning to say mas alam nu’ng bata na dapat igalang ang pulis,” pahayag ni Mystica.

Sinabi rin ng dating singer na trabaho raw ng pulis ang magpatupad ng peace and order at sinasaway daw nito ang lalaki sa pagpapaputok ng boga.

“Well if I would be the policeman as well, hindi na bale ako ‘yung makulong. Ayaw ko lang na mapahiya at mawalan ng dignidad ‘yung trabaho ko bilang pulis na nagmi-maintain ng peace and order.

“Sa pamamagitan ng ginawa niya, kung ‘yun na lang ‘yung way para matahimik… mapatahimik itong mag-lola then he did his thing. That’s what I think,” sabi pa ni Mystica.

Ang title ng nasabing vlog ni Mystica ay “Kahit Hindi Tama, Kampi pa rin Ako sa Pulis Laban sa Mag-inang Binaril Niya.”

Galit na galit ang mga netizenat talagang binatikos nila nang husto si Mystica. Marami sa kanila ay nagbantang ire-report ang vlog singer, may nagkomento rin ng umano’y “Pystica.”

Si Neil naman na isa nang police officer ngayon ay nag-post ng isang art card na may figure ng isang police na may quotation na “hindi kaming lahat ang pumatay sa kanya.”

Of course ay hindi ito nagustuhan ng netizens kaya katakot-takot na pangba-bash ang inabot niya.
Narito ang comments ng ilang galit na galit na netizens:

– “Nakakapang diri ka. Ni walang pasintabi sa mga kinatay ng kabaro mo. Pag defend kaagad ang inuna mong gawin. You’re disgusting.”

– “Hindi naman generalized para sa lahat ng pulis yung thoughts nang nakararami. Pero sana use your voice too on condemning the killings.”

– “I’m sorry Neil pero itong mga post na to ang reason why wala ng accountability from your ranks. Acknowledge that there’s brutality from the police force. Para may clear na cleansing sa inyo.”

– “But still, police brutality exists and you guys are not doing something about it. Insensitive ng post mo..”
– “Imbes ipost mo ang picture ng mag ina na naghahanap ng hustisya..you are here posting to make linis the name ng pnp..WALA KAMING SINABING KAYO PUMATAY LAHAT.”

– “But police brutality exist sir I think it’s insensitive to post like this after the incident. Oo not everyone abuse their power. But since this administration tolerate killings and violence policemen are using it as an excuse to run away.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.