Abante Tonite
Mabilis sa Balita

N.E. Mayor kinondena pag-ambus sa barangay kagawad

0 55

Mariing kinondena ni Mayor Sylvia Austria ng Jaen, Nueva Ecija ang nangyaring pananambang sa isang barangay kagawad noong Lunes ng gabi.

Ang biktima na si Marianito Herminigildo, 63 ng Brgy. Malabon Kaingin, Jaen ay nasa kritikal na kalagayan at nasa intensive care unit ng isang ospital sa Cabanatuan City.

Nabatid na alas 6:45 ng gabi nagmamaneho ng e-bike si Kagawad Herminigildo nang dikitan ng mga salaring riding-in-tandem at pinagbabaril gamit ang caliber 9MM.

Kagya’t na hiniling ni Mayor Austria ang masusing imbestigasyon na umano’y ikalawa nang pangyayari mula noong matapos ang halalan noong Mayo 9.

Tinuran ng re-elected mayor na may isa ring kagawad ang biktima ng pamamaril noong Mayo 24 sa Brgy. Niyugan, Jaen. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.