Abante Tonite Interactive

N95 face mask ‘di na kailangan ng mga taga-Metro

0 166

Hindi na kailangan pang gumamit ng face mask ang mga residente ng Metro Manila upang makaiwas sa mga sakit dulot ng ashfall mula sa sumabog na Taal Volcano nitong Enero 13.

Ayon kay Dr. Gerry Bagtasa ng University of the Philippines Institute of Environmental Science and Meteorology, nakatulong ang ‘cooling’ at ‘nighttime’ na panahon at naiwasan nang bahagya ang pag-abot ng ashfall sa Metro Manila

Aniya, base sa radar mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), lumilitaw na 12.5 km ang taas ng ashfall nitong nakaraang Linggo subalit halos 30 kilometro lang ang umabot sa Metro Manila.

“But most of the ash plume [blown toward Metro Manila] descended only up to 3 km,” sabi niya. “The finer ash was not able to reach the ground surface … The ashfall observed in some areas [is] relatively huge, which [was] pulled down by gravity,” paliwanag ni Bagtasa. At giit niya, mas naging delikado pa ang air quality noong pagsalubong ng Bagong Taon.

Dahil dito ay iginiit ni Bagtasa, sa konteksto ng pagsabog, ay hindi na kailangan pang magsuot ng face mask, partikular ng N95 na kamakailan lamang ay nagkaubusan matapos na samantalahin ng mga nagho-hoard. (Dolly Cabreza)