Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Na-lockdown ang alibi: Dyowa buking sa kandungan ng kabit

0 765

Kulong ang isang lalaki na nag-alibi na na-lockdown matapos mahuli ng kanyang misis na nasa bahay ng kanyang kalaguyo sa Sitio Piyo Velasco, Barangay Mahawak, Madelin, Cebu.

Kinilala ni Madelen Police Station-Women and Children’s Protection Desk officer P/Col. Geraldine Areglado ang suspek sa pangalang “Eddie”, 35, isang construction worker, habang ang kalaguyo nito ay si “Eva”, 37.

Ayon kay Areglado, humingi ng tulong ang asawa ni Eddie na si alyas Maria, 33, dahil hindi na umuuwi ang asawa.

Sinasabing nagpaalam umano ulit ang kanyang asawa na hindi muna makakauwi dahil na-lockdown ang lugar.

Ngunit nang may makapag-report sa ginang na may kinakasamang iba si Eddie ay agad itong nagsumbong sa pulisya hanggang sa mabistong nagsasama na si Eddie at Eva sa iisang bubong. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.