Abante Tonite Interactive

Na PD-Lee Seung Gi variety show mapanganib

0 227

Noong January 10 nag-pilot episode ang pinakabagong variety show ng tvN, “Friday Friday Night.”

Bago ang airing, humarap sa press conference ang Producing Director na si Na PD Young Suk , Eun Jung at ang writer na si Kim Dae Joo.

Bagong konsepto ito ng variety show na maraming featured stars. Mga celebrities na nakasama na rin ni Na PD in the past such as WINNER’s Song Mino, SECHSKIES’s Eun Ji Won, Lee Seung Gi, and Lee Seo Jin.

Sa lahat, ang pagsasamang muli bilang producing director ni Na PD, Young Suk at Lee Seung Gi ang matagal nang inaabangan ng lahat. Limang taon din ang nakalipas since nagkatrabaho sila. Ito’y sa first season ng “New Journey to the West” in 2015.

Paglabas pa lang ni Seung Gi sa military noong 2017 ay marami na ang nag-aabang kung magsasama silang muli sa variety show. Classic at hindi makakalimutan ang original season ng 1n2D na tumagal ng limang taon. Ito ang 1st variety show na una nilang pinagsamahan.

Tinanong si Na Young Suk kung paano nabuo ang pagsasama nilang muli.

Aniya, “We are trying something new, so there is a huge chance that things will not go well. There was a part of me that wanted to cast people I was friends with so that I might feel less apologetic. If I cast someone for the first time, and the project failed, how embarrassing would that be.”

Sa kabila ng risky at bagong concept ng variety show ang gagawin nila, pumayag daw agad si Seung Gi nang i-approach niya. “I told him that there was risk involved but he was cool about it and said, ‘Let’s work together again.’”

Sabi pa ni Na Young Suk, “I needed someone who was sincere, and Lee Seung Gi came to mind. The whole nation knows who he is, and he is very earnest at heart. Whatever work he is given, you can be sure that he’ll show that he is doing it well.

“We meet a lot off-camera, but on-camera he was the same as he was before. When I started filming with him again, I thought that the nickname we gave him on ‘2 Days & 1 Night’ was a good one. Even though it was 10 years ago, he is still the heodang [term referring to someone who is surprisingly clumsy despite their appearance] that he was before.”