Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Na-virus na pulis dagdag ng 203

0 157

Karagdagang 203 kaso ng COVID-19 ang naitala ng Philippine National Police (PNP) base sa inilabas nitong anunsyo.

Ayon sa PNP Health Service, umabot na sa 24,691 ang kabuuang bilang ng mga nahawa sa coronavirus sa hanay ng pulisya. Sa nasabing bilang, 1,733 ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala na rin ang PNP ng 104 pang mga gumaling kaya umakyat na sa 22,890 ang mga tauhan nitong nakarekober mula sa COVID-19.

Nadagdagan naman ng isa ang namatay kaya’t umabot sa 68 ang death toll ng kapulisan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.