Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Na-virus sa Hospicio sumirit

0 223

Nasa may 103 nagkakanlong sa Hospicio de San Jose orphanage sa Maynila ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019.

Kasabay nito, humihingi ng ayuda si Sister Maria Socorro Pilar Evidente para sa patuloy na operasyon ng bahay-ampunan na may 450 residente, kabilang ang mga senior citizen, bata at staff.

Ayon kay Evidente, napakabilis ng hawaan at hindi nila matukoy kung saan nanggagaling ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon pagtuntong ng Agosto.

Nabatid na noon pang Abril nakasailalim sa lockdown ang Hospicio.

Sabi ni Evidente, mas gusto nila ang cash donation o kaya ay mga donasyong prutas at gulay.

Maaaring ipadala ang cash donation sa BPI M.H. Del Pilar branch, Hospicio de San Jose (8103-0986-62) o Metrobank UN Avenue branch, Hospicio de San Jose (175-3-17550678-1).

Hiniling ni Evidente sa mga donor na i-email ang deposit slip sa mspg.evidente@gmail.com o tumawag sa 8734-2366 para maisyuhan ng official receipt. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.