Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naaalarma kaya ang PBA?

0 308

Maganda ang desisyon ni three-time University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Finals MVP Thirdy Ravena na huwag muna magpa-draft sa Philippine Basketball Association (PBA).

Nagkaroon siya ng magandang alok sa B.League ng Japan Professional Basketball Association na tinanggap niya. Alam kong malaking pera ang involved dito kasi galante ang mga Hapon sa pasweldo sa mga player lalo na sa mga dayuhan na import.

Nang sinamahan ko si Bobby Parks sa Malaysia para maglaro sa usang torneo ng International Basketball Association (FIBA), may lumapit sa aming Hapones at inalok si Bobby ng US$15,000 buwan-buwan para maglaro sa Japan.

Kaya, may mga balita na $8,000-$10,000 ang magiging sweldo ni Thirdy kada buwan, lalo na na ang sasalihan niyang liga ay nagiging sikat na kahit papabukas pa lang sa panlimang taon.

Nagaalala kaya ang PBA kasi maraming bansa na ang kumukuha ng mga player sa Asia at lalo na may mga malalaking sweldo ang alok. Pano na kung ang mga pinakamagaling na amateur player natin alukin din ng Japan, South Korea, Australia at China.

Baka mawalan ng player ang PBA. May balita nga na may mga din alok kina Rsymond Almazan, Calvin Abueva at iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.