Abante Tonite Interactive

Nabago ang kontrata

13

Sir/Madame,

Sumulat po ako para humingi ng tulong. Gusto ko na pong umuwi ng Pilipinas kasi hindi sumusunod sa kontrata ang employer ko pero hindi pa tapos ang kontrata ko. Puwede po ba umuwi na kahit hindi pa ito tapos?

Palagi na kasi galit sa akin ang babae kong employer dahil hindi ko na siya minamasahe. Palagi rin niya sinasabi sa akin na malaki raw ang suweldo ko kaya dapat gawin ko lahat ng utos niya.

Problema ko po pati iqama ID ay wala siyang ibinibigay sa akin kahit xerox copy lang.

Ang masakit pa po ay pati padala ko na pera ay hindi naman naipadala pa sa pamilya ko. Hindi ko rin alam ang address ko dahil nabago ang kontrata ko.

Umaasa,

Virgie Bautista

***

Panawagan sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR na bigyang-pansin ang kala­gayan ni Virgie Bautista na nakaalis ng Pilipinas sa tulong ng S&I INTERNATIONAL MANAGEMENT INC. na recruitment agency dito sa Pili­pinas at AKEEM MANPOWER RECRUITMENT OFFICE sa ­Saudi Arabia.

Nagtatrabaho siya sa isang SAAD ABDULLAH ALOSMAN pero­ hindi niya alam ang eksaktong address simula noong Nobyembre 9, 2015.

Naipagbigay-alam na ng U-OFW sa pamamagitan ni G. John Leonard Monterona ang kaso ni Virgie Bautista sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno sa Saudi at Pilipinas noong unang linggo ng Hulyo pero wala pa ring nagi­ging tugon sa kahili­ngan ng ating kababa­yang OFW.

Kaya nakikiisa kami sa U-OFW na tugunan ang kahilingan ng ating kababayang si Virgie.