Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabangga ang bagong kotse

0 139

May panaginip ako na tungkol sa pagbangga ng kotse ko sa isa pang sasakyan. Sa panaginip ko eh mukhang bago ang kotse na minamaneho ko.

Ako lang mag-isa at wala naman daw traffic sa usual route na dinadaanan ko, kaya lang sa panaginip ko eh bigla ko pa rin daw itinabi ang kotse sa gilid ng kalsada at lumabas para tingnan ‘yung itsura ng kotse dahil sabi ko sa sarili ko eh parang hindi ako sanay.

Pagkakita ko rito habang nakatayo ako sa labas eh bigla-biglang may isa pang sasakyan na bumangga naman sa likod ng bagong kotse ko.

Na-bother ako sa panaginip ko dahil pangarap ko talagang magkaroon ng bagong sasakyan tapos sa panaginip ko eh nawasak pa ‘yun. – Mark

Hindi tulad ng ibang mga panaginip natin, ang panaginip na tungkol sa car accident ay nanggagaling mula sa totoong takot mo sa banggaan ng sasakyan.

Ayon sa mga dream expert, kung minsan ang mga ganitong uri ng panaginip ay isang pahiwatig na labis ang pag-aalala mo para sa iyong kaligtasan habang nagmamaneho ka, para man ito sa iyo bilang driver o kaya ay para sa mga sakay mong pasahero.

Nagiging salamin din ang panaginip na umiikot sa car crash, para maging simbolo ng mga kaganapan sa na maaaring magpabago sa buhay mo.

Pwedeng kakatapos mo lang makatanggap ng promotion sa trabaho o kaya naman ay nalugi ka sa isang investment o may hindi ka nagawa sa mga goal mo at feeling mo ay hindi ka na makakabawi, kaya sinasabi ng subconscious mo na tila wasak ka na at pwede ring nago-overthink ka na sa mga posibleng mangyari.

Bukod dito, maaari ring may kinalaman ito sa iyong relasyon sa iba. Meron ka bang nakatampuhan bago mo ito mapanaginipan? Kung oo, nangangahulugan ang panaginip mo na natatakot kang tuluyang masira ang relationship mo sa taong ito.

Ikonsidera mo rin ang kalsada na iyong dinadaanan bago mangyari ang banggaan, sabi mo ay wala namang traffic at mukhang smooth din ang iyong pagmamaneho, sinasabi nito na sa kabila ng sitwasyon merong parte sa iyo na nananatiling positibo ang pananaw.

Sa huli, kailangan mong bantayan ang iyong emotional stress at mental health dahil pwede itong makaapekto sa iyong confidence na kapag masyadong bumaba ay maaaring magresulta naman sa ‘pagbangga’ mo sa iyong sariling mga goal.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.