Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabiling lupa nakasangla pala

0 169

Hello po atty Claire,

Ako po si Lydia na taga Zamboanga City. Napanood ko po ang video ninyo sa Youtube at nais ko po sanang e konsulta sa lupa na nabili namin mag- asawa nung 2008. Ang lupa po na 1,000 sqm na may ari po ng uncle ko na matandang binata pero bago syang namatay, nalaman nya na ang lupa nya ay sinanla ng isang pinsan ko na namatay na rin po.

Dyan po sa lupa nakatira po ang panganay na kapatid ko ko. Yung panahon yun, pinapaalis na sana ang kapatid ko ang natubos ng lupang na naisanla ng pinsan ko. Kaso, lumapit sa amin mag asama ang kapatid ko at ang sabi baka pwede kami na lang mag asawa ang mag remata sa lupa upang hindi sila palayasin sa lupang kung saan andun ang bahay nila.

Sa madaling salita po, natubos namin mag asawa ang lupa ng uncle namin. At simula non, napunta na samin mag asawa ang pangalan ng lupa. May complete title na po under po sa pangalan namin mag asawa.

Sa ngayon po, 42 yrs na na nakatira ang kapatid ko sa lupa na may ari na namin mag asawa. Since andito po ako sa America, last year kinausap ko po ang kapatid ko, sinabi ko po sa kanya kung pwede bigyan ko sya ng 300,000 pesos para lang buhatin nila bahay nila sa sarili nilang lupa since nasa tabi lang po ang lupa nya sa lupa namin mag asawa.

Dahil gusto ko na sana po magpatayo ng commercial building dahil may 3 anak po ako at para maumpisa narin ako kikita sa lupa namin ng asawa ko. Pero ang nangyari po, nagalit ang kapatid ko at ang sabi na may karapatan raw po sya sa lupa dahil 42yrs na sya nakatira nun.

Gusto niya bilhin ang 63sqm na nakain ng bahay nya. Gusto ko po sana na buo ang lupa ko at ayoko na po na gumawa pa ng bagong titulo . Sa ganitong situation, ano po ba ang maipapayo ninyo? Dahil ang sabi ng kapatid ko, lalabanan raw nya ang karapatan nya . Ano po ba ang pinaka magandang payo nyo po sa akin attorney. Maraming salamat po at Pagpalain po kayo ng May Kapal

Truly yours,

Lydia

Mrs. Lydia,

Madalas pong nangyayari iyan. Kapag pinapatira mo ang isang tao dahil sa pagmamahal, o tiwala, o dahil di mo pa naman kailangan, ay umaabuso sa katagalan.

Dahil ang lupa po ay nakapangalan sa inyo ay hindi po maaaring sabihin ng kapatid ninyo na may karapatan siya sa lupa. Kahit po 100 taon pa siya nakatira sa lupa basta mayroon ng may ari at lalo pa’t may titulo na ay hindi maaaring maangkin ito ninuman sa pamamagitan ng ordinary o extraordinary prescription. Ang prescription ay maaari lamang gamitin upang maging kanya ang property kung ito ay wala pang may ari, matagal na inokupa (10 years pag in good faith, 30 years pag in bad faith), tuloy tuloy na pag okupa bilang may-ari o in the concept of an owner. Ang kapatid po ninyo ay alam nyang kayo ang may ari kaya di niya po makakatwiran na may karapatan siya rito dahil 42 years na siya roon. Tumagal ang pag okupa niya dahil sa tolerance ninyo.

Kayo po ang may karapatang mamili kung ibebenta nyo o hindi ang parte ng lupa. Maaari po ninyong patanggal ang bahay niya sa lupa ninyo ng walang binabayaran.

Sulatan po ninyo o ng abogado ninyo na dapat na siyang umalis sa lupa ninyo at kapag di siya umalis at maaari ninyo siyang singilin para sa panahon na lumagi siya roon kahit na may demand to vacate.

Sana po magkasundo kayo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.