Abante Tonite Interactive

Nabisto kung saan nakatira: Bela na-badtrip sa Grab driver

1,026

Ikinabahala ng aktres na si Bela Padilla ang pagkaka-announce ng kanyang address ng Grab driver na nasakyan niya. Paglabag ito sa passenger safety and privacy policy ng naturang kompanya.

“Rode grab today and the driver announced on the grab radio where I live. Hello

@grabph (face palm emoticon) this can’t possibly be right,” tweet ni Bela.

Narinig umano ito ng aktres sa Grab radio channel. Kinompronta naman umano ni Bela ang nakasakyan nitong driver ng Grab, ngunit hindi na idinetalye ang itinugon nito. Lubos na lang siyang nalungkot sa pangyayari.

Ipinapalagay na lang ng mga netizen na sobrang natuwa lang ang driver na isang artista ang kanyang naisakay.

Nag-reply naman agad ang Grab PH sa tweet ng Kapamilya actress.

“Hi Bela! We’re so sorry to hear about your experience. This incident shouldn’t have happened since we value every passenger’s safety and privacy. We sent you a DM to help move our investigation forward. Thank you!”

Todo reak naman ang mga follower ni Bela na nagrereklamo at umaangal, na porke artista kasi si Bela kaya’t ang bilis ng reply nito at aksyon sa reklamo. Samantalang sila na ordinaryong customer ay hindi maasikaso nang maayos. (Jun Lopez)