Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabitawan ni inay: 6-anyos nilamon ng sapa

0 37

CLAVER, Surigao del Norte – Maagang binawian ng buhay ang 6-anyos na bata matapos malunod sa sapa noong Linggo.

Sa report batay na rin sa imbestigasyon ng Claver police, sumama ang bata sa kanyang ina na nag-ani ng mga maliliit na sanga ng niyog sa bulubunduking bahagi ng Barangay Panatao.

SM food to go Banner Ad

Nang pauwi na, may dalang mga maliliit na sanga ng kahoy ang ina habang binabagtas ang sapa kung saan nakasunod naman ang bata pero natangay ng malakas na agos. Sa Purok 1 na narekober ang katawan ng biktima.

Sinubukan pang i-revive ang bata at dinala sa Municipal Health Center ng bayan pero dineklara itong dead-on-arrival.

Leave A Reply

Your email address will not be published.