Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabitin sa rape: 1 pamilya pinagsasaksak saka nag-suicide

0 370

Sugatan ang apat na magkakapamilya matapos pagsasaksakin ng lasing nilang kaanak sa Lian, Batangas Martes ng gabi.

Subalit kinaumagahan nadiskubre naman na nagbigti ang suspek sa isang puno.

Ayon kay PMAJ Apolinario Palomeno, hepe ng Lian police, nasa ligtas nang kalagayan ang tatlo sa mga biktima kabilang ang nanay ng pamilya na si Gloria, at ang dalagitang anak nito na si Airha at ang 9-anyos na si Princess.

Nasa kritikal pang kalagayan ang padre de pamilya na si Venencio.

Batay sa report ng pulisya, natutulog na ang pamilya sa kanilang bahay sa Sitio Mahabang Parang, Barangay Malaruhatan alas-11:40 ng gabi, nang pasukin ang mga ito ng lasing na suspek na si Erwin, construction worker at pamangkin ng ginang.

Dahil umano sa kalasingan, pinagtangkaang halayin ng suspek ang dalagitang anak subalit nagising ang tatay.

Tuluyan na umanong nawala sa wisyo ang suspek at walang-awang hinalihaw ng saksak ang mag-anak at saka tumakas.

Nagsagawa agad ng hot pursuit operation ang mga nagrespondeng pulis subalit umaga na lamang nakita ang suspek na nakabigti sa puno ng avocado sa bukid. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.