Abante Tonite Interactive

Nabitin sa rape, 5-anyos tinodas na lang

583

Nalaglag na sa kamay ng mga awtoridad ang lalaking dumukot sa 5-anyos nitong kapitbahay na tinuluyan niyang patayin matapos itong mabitin sa tangkang panggagahasa sa biktima sa San Jose Del Monte City, Bulacan Police Station.

Ayon kay Police Lt. Orlando Catil, hepe ng San Jose Del Monte Police, alas-12:20 kahapon nang hatinggabi nang madakip nila sa follow-up operation ang suspek na si Eman Lambuhon, 24, sa Brgy. Sto. Cristo.

Si Lambuhon ang responsable sa pagpatay sa biktimang si Princess Angela Langumez, 5, kinder, na kanyang dinukot sa loob ng bahay habang ito ay natutulog dakong alas-tres nang madaling-araw noong Linggo.

at pinatay ito sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa ulo.

Sa panayam sa suspek sa loob ng kulungan, bangag umano siya sa iligal na droga nang pasukin ang bahay ng biktima at tinangka umano niya itong gahasain subalit nagising ang bata at humingi ng tulong sa kanyang ina na nagising din.

Kaya ang ginawa na lang niya ay tinangay ang batang biktima upang sa labas na lang sana ituloy ang panggagahasa subalit nakita umano nitong nakasunod ang ina at hinahanap sila kaya pinatay na lang niya ito sa pamamagitan ng pagpukpok ng malaking bato sa ulo bago tumakas.

Makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lang ng ina at ilang tumulong sa paghahanap ang bangkay ng batang biktima sa bakanteng lote na puno ng talahib sa Brgy. Kaypian ng nasabing lungsod.

(Edwin Balasa)