Abante Tonite Interactive

Nabong good boy na sa Batang Pier

869

Isa lang ang pa­ngako ni Kelly Nabong.

Ito ay umiwas sa anumang gulo sa pagbabalik niya sa NorthPort Batang Pier kung saan nilaro niya ang kanyang pinakamagandang season sa PBA.

Muling sinungkit ng Batang Pier si Nabong matapos i-trade ng San Miguel Beermen nang mapaaway ito sa ensayo nang ipagtanggol ang import na si Dezmine Wells kontra kay Ro­nald Tubid at Arwind Santos.

One-year deal ang pinirmahan ni Nabong sa Batang Pier kaya naman nangakong magpapakabait sa PBA 45th season.

Bukod kay Nabong ay dagdag din sa kanilang koponan ang dating ­Adamson star na si Sean ­Manganti.

Two-year deal ang binigay sa forward, na eight overall pick sa 2019 PBA Rookie Draft. (Ray Mark ­Patriarca)