Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabong magmumulta ng P5K

0 165

Pagmumultahin ng P5,000 si NorthPort bigman Kelly Nabong dahil sa flagrant foul kay San Miguel Beer forward Arwind Santos na binalya niya sa Batang Pier-Beerme game sa 45th PBA 2020 Philippine Cup elims bubble sa Clark, Angeles, Pampanga nitong Martes.

Hindi na pinatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial ang nakausap na ring si Nabong dahil sa kakulangan ng oras, pero giinit niya ang fine ng 6-foot-6 center-forward kahit nasugatan ni Santos sa cheek dahil sa siko.

“Wala nang time para ipatawag pa. Pero may fine siya,” paniniyak ni Kume. Dating teammate ang dalawa nang nasa SMB pa si Nabong bago na-trade sa NorthPort. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.