Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabong plakado ang papel sa Blackwater

0 191

Plakado na ni Kelly Nabong ang magiging papel niya sa Blackwater.

Bukod sa pagiging enforcer at tagapagtanggol ng mga kakampi, siyempre.

Huling laro ni Nabong kontra Blackwater noong Oct. 12, pangalawang game-day ng ni-restart na Philippine Cup sa Clark bubble.

Nasa NorthPort pa si Nabong, talo ang Batang Pier 96-89.

Hindi ni-renew ang kontrata ni Nabong sa NorthPort sa kaagahan ng buwang ito, sinalo siya ng Blackwater sa free agency sa nakalipas na linggo.

SM food to go Banner Ad

Bossing na ngayon ang Blackwater.

“They are really a young team, run-and-gun,” anang 6-foot-6 bruiser. “They have a couple of veterans like KG Canaleta and myself. I think I can go there and actually do some good with the rookies and the younger players on how to approach the game a little bit.”

Ang 32-year-old Fil-Am baller na rin ang magiging bossing ng mga baguhang kakampi.

Sina Rey Mark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras ang mga pinik-ap at pinapirma na ng Bossing sa nakaraang Draft nitong March 14.

Pangalawang stint na ni Nabong sa Blackwater, una noong nasa D-League pa ang team ni Dioceldo Sy. Inihatid nina Nabong at AJ Andani ang Elite sa finals ng 2014 Foundation Cup. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.