Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabor bilib kay Santiago

0 179

Isang appreciation post sa social media ang inihandog ni Jasmine Nabor sa kanyang kapitanang si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago makalipas ang tagumpay ng Chery Tiggo sa Premier Volleyball League 2021 Open Conference.

Kinopo Crossovers ang kampeonato ng pro women’s indoor volleyfest nang pabagsakin ang Creamline sa knockout, marathon Game 3 nitong Biyernes sa Bacarra, Ilocos Norte.

Ayon sa 23-anyos at may taas na 5-9 na setter, hindi man nila nasungkit ni Santiago ang kampeonato noon sa University Athletic Association of the Philippines nang magkasama pa sa National University Lady Bulldogs, nasuklian naman ito ngayon nang mas mataas na karangalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“UAAP Season 80, Year 2017 huli kitang nakasama sa court Jaja. Pero alam natin pareho na hindi pa dun ‘yung huli na magsasama tayo sa loob ng court. Hindi man naging maganda ang ending natin pareho sa UAAP, pero grabe naman ang kapalit na binigay ni Lord sa atin. At sobrang masaya ako sa history na nagawa nating magkasama,” litanta ni Nabor sa Twitter. “First Pro League tapos champion agad!”

Hinirit pa niyang sobrang proud siya kay Santiago na nag-Conference MVP, Finals MVP at 2nd Best Middle Blocker. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.