Abante Tonite Interactive

Nabor, Pantone aalalay sa FIBR

By
0 86

Sa muling pagsandsal kay import Kendra Dahlke, nasa kukote ng PLDT Home FIBR na duplikahin ang panalo sa huling laro pagharap sa nagkukumahog na Foton Tornadoes sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix 2nd round elims sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Lumapit sa magic four ang PLDT nang tuldukan ang two-game skid, kinalos noong Martes, Mar. 12 ang Generika-A­yala, 25-21, 20-25, 29-27, 13-25, 15-12, sa women’s interclub volleyfest.

Tangan ang 4-4 karta para sa ikalimang puwesto, sisikapin ng PLDT na makuha ang panalo sa katabla sa ikapitong Tornadoes (1-7) sa alas-dos ng hapon.

Kumayod si Dahlke ng 27 attacks, dalawang blocks at isang service ace upang akbayan ang PLDT sa huling panalo, kaya inaasahang sasandalan pa rin siya para sa misyon.

Bukod kay Dahlke, huhugot din ng puwersa si coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb kina setter Jasmine Nabor at libero Liz­lee Pantone.

Lalakas ang tsansa ng PLDT na makasampa sa top four kapag nanaig sa Foton.

Mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals ang top four teams pagkatapos ng double-round robin elims.
Kailangan naman ng Tornadoes na manalo upang hindi masyadong mabaon sa ilalim ng team standings.

Magtatapat naman sa alas-4:15 ng hapon ang nasa terserang Cignal (5-3) at Lifesavers (1-7), at sa alas-siyete ng gabi ang sumesegundang F2 Logistics (6-1) at nasa pang-apat na United Volleyball Club (4-3).