Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabuking ng NBI sa QC raid: ‘Killer’ party drug kinakalat sa NCR

0 51

Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko hinggil sa anila’y mas delikadong party drug na pinamamahagi sa Metro Manila, kasunod ng raid sa isang bahay na sinasabing pagmamay-ari ng dating miyembro ng United States Air Force at nakapuwesto sa Quezon City.

“They are experimenting with the effect of powdered ecstasy mixed in cocaine and shabu. The combination is more dangerous and could be fatal,” banggit ng isang NBI senior official.

Magugunitang mahigit 65 milyong halaga ng mga iligal na droga, high-powered na mga baril, pampasabog at bala ang nakumpiska ng NBI-anti-drugs unit, na pinamunuan ni Atty. Jonathan Galicia, sa isang bahay sa Teacher’s Village sa QC noong Biyernes.

Ginagamit din umano ang nasabing tahanan bilang isang drug den.

Bukod sa mga newly-mixed party drug, nasamsam din ng awtoridad sa raid ang mga ecstasy tablet, shabu, cocaine, kush, mga marijuana stick at paraphernalia sa pagproseso ng mga iligal na droga.

Maging ang Uzi submachine gun, Remington shotgun, mga maliliit na baril at daan-daang mga bala at mga explosive material.

Dalawang suspek ang inaresto sa nasabing raid: sina Ramon Loarca na retiradong Amerikanong militar, at Wilson de Lara Apalisoc.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.