Abante Tonite Interactive

Nabulunan ng biskwit 5-anyos tigok

271

Nagbabala ang Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office (DRRMO) sa mga magulang na bantayan ang kinakain ng kanilang mga anak, ito’y matapos mabilaukan sa kinakaing wafer biscuit ang isang 5-taong gulang na bata sa Barangay Gil Montilla, Sipalay City, Negros Occidental.

Kasama umanong nanonood ng bata ang kanyang kapatid nang bigla itong nagtatatalon na parang hirap huminga, Lunes ng gabi.

Saad ni DRRMO head Dionilo Bogtae, alas-sais nang dumating sila sa bahay ng biktima at nagsagawa pa ng first aid.

Isinugod din nila ito sa infirmary ngunit hindi na umabot nang buhay.