Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabunggo ng multo

0 103

Ni Rey T Sibayan

Mga ka-Misteryo kayo ba ay biglang nabunggo ng multo? Ano ang ginawa niyo?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo!”

Si Serge ng Pasig ay laging nabubunggo ng multo saanman magtungo pero yung isang multo na bumunggo sa kanya sa isang pasilyo halos may matinding epekto sa kanya.

Misteryo: “Super sensitive ka pala at binubunggo ka ng mga multo?”

Serge: “Oo kahit saan ako magpunta lagi ako binubunggo ng mga multo. Alam mo yung feeling na may malapot na energy na sumasalubong ganun yung feeling. May time akala mo sapot ng gagamba ang masalubong mo pero wala naman makita.”

Misteryo: “Ang tanong ko sayo nakikita mo ba yung sumasalubong sayong multo?”

Serge: “Hindi eh kasi kung nakikita ko naman sila dapat iniiwasan ko di ba? Kayo hindi kaya yun masasalubong ko sila.”

Misteryo: “Paano yun parang hangin lang na kasalubong mo? Ano pa ang feeling?”

SM food to go Banner Ad

Serge: “May time grabeng kilabot ang nararamdaman ko kasi sobrang lakas ng energy yun bang para kang matutumba sa pagkakatayo.”

Misteryo: “I think depende sa lebel at nature ng energy yan ng multo o spirit. I think yung mas malapot na energy ay elemental or earthbound pero kung hostile yung spirit specially multo ng tao mas malakas ang tama sa tao.”

Serge: “Yun din ang alam ko yung malakas at malapot na energy ay elemental o earthbound soul pero yung bigla ka nauntog baka hostile spirit.”

Misteryo: “Yung hostile pwedeng demonic o hellbound pero hindi ka naman siguro naka-encounter ng ganun?”

Serge: “Hindi naman ganun katindi baka matakot na ko ng todo pero ano ang dapat gawin kung ganun na ang masasalubong?”

Misteryo: “Mag-ingat lang at mag-ready. Prayer can give you protection especially prayer to St. Michael. Proven ko na yan si St Michael panlaban sa bad spirits.”

Serge: “Ah oo nga tama si St Michael kapag nagpray ako sa kanya may cold

energy akong nararamdaman, comforting siya.”

Kayo meron ba kayo same experience no Serge? Mag-email sa reysibayan@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.