Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabuntis daw ni Gerald, Julia nagsalita na

0 459

Agad nag-react si Julia Barretto sa kumalat na balitang nabuntis umano siya ni Gerald Anderson.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Julia ng kanyang abs at nilagyan niya ng caption na, “FAKE NEWS 🙂.”

Nag-ugat ang mga espekulasyon tungkol sa pagbubuntis ni Julia dahil sa Facebook post ng beteranong newscaster na si Jay Sonza.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang pasabog na ito .

Sey ng mga netizen, naging purveyor umano ng fake news si Sonza.

In bad taste pa rin daw ang rebelasyon nito dahil marami muna itong nilait bago nag-segue way sa kanyang pasabog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit nila, sobra raw makabatikos ang veteran broadcaster na akala mo raw ay nuknukan ng kaguwapuhan.

Anila, dapat daw turuan ng leksyon si Sonza at kasuhan ng cyber libel pag ‘di totoo ang tsismis niya.

May ilan namang followers ni Sonza ang naintriga sa kanyang scoop kuno.

Samantala, hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon sa alingasngas na may relasyon sina Julia at Gerald.Wala silang inaamin.

Dahil nag-deny na si Julia, bukas din ang panig ni Gerald sa ikinalat na tsismis ng broadcaster .

(IS, Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.