Abante Tonite Interactive

Naburyong! Mister sinunog ang bahay, 6 patay

347

Patay ang anim na katao kabilang ang apat na magkakamag-anak matapos sunugin ng isang lalaki ang kanilang bahay nang maburyong matapos na hindi makita ang kaaway umanong asawa kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang sina Yhancy Kieffer Conde; Yara Courtney Conde, 9; Yhexel George Nicholas Conde, 10; Odessa Conde, 36, ina ng mga bata; Jean Paul Esguerra, 42, at Aquelina Romero alyas Jacqueline, 44.

Ginagamot naman ang isa pang biktima na si George Conde, 43.

Habang si Romero ay nakita naman sa banyo ng kanyang bahay dakong alas-8:54 ng umaga.

Nabatid na hindi naman matagpuan ang suspek na si Eduardo Lotero, na sinasabing nanunog ng bahay matapos na hindi abutan ang nakaaway umano nitong asawa.

Nabatid na ang bahay ay pag-aari ni Evangeline, ina ng suspek.

Nalaman na bago ang insidente ay nag-away umano si Eduardo at misis nito.

Ayon sa Manila Fire Department (MFD), alas-2:30 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa may 2016 C Katamanan St., Tondo at idineklarang fire-out dakong alas-7:14 ng umaga.

Patuloy namang­ pinaghahanap ang suspek.

Ayon kay SF03 Edelberto Cruz, Ground commander ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P100,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian at may 40 bahay ang naabo. (Juliet de Loza-­Cudia)