Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nabuwisit sa iyak: Baby tigok sa hambalos ni erpat

0 130

Patay ang isang 3-buwang sanggol matapos itong paghahamapsin sa mukha ng feeding bottle ng sariling ama na nabuwisit sa iyak ng walang kamuwang-muwang na bata kamakalawa ng gabi sa Cotabato City.

Naaresto naman ang ama ng bata na si Mucher Repalda Flores, 20, taga-Tamse Road, Barangay Poblacion 4, Cotabato City.

Sa ulat ni Cotabato City Police Office (CCPO) Police Precinct -2 commander Police Major Elexon Bona, naganap ang insidente kamakalawa ng gabi sa tahanan ng mag-ama.

Nasa kasarapan ng tulog ang mga magulang ng sanggol nang magising ang ama dahil sa iyak nito.

Tinimpalahan naman ng gatas ng ama ang sanggol subalit patuloy pa rin umano ito sa pag-iyak at dahil sa nasira ang tulog ay agad nabuwisit ang ama at pinagpapalo nito ng bote ng gatas ang kanyang anak.

Nagkulay talong ang mukha at katawan ng sanggol at hindi na ito gumagalaw kaya ginising nito ang kinakasama na ina ng sanggol at sinabing napatay nito ang kanilang anak.

Humingi naman ng tulong sa mga awtoridad ang ina ng bata na ikinadakip ng suspek na nahaharap sa kasong parricide dahil sa pagkakapatay nito sa sanggol na anak.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Cotabato City Police detention cell at laking pagsisisi nito dahil sa nagawa sa panganay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.