Abante Tonite Interactive

Nadal sumurender kay Del Potro

By
0 506

Walang Rafael Nadal-Novak Djoko­vic sa US Open final.

Isinurender ni defending champion at top-seeded Nadal ang pagdepensa sa korona nang umayaw sa semifinals match nila ni Juan Martin del Potro ng Argentina.

Binagabag ng nananakit na kanang tuhod, inihagis ni Nadal ang puting bandera matapos matalo sa second set at naghahabol 7-6, 6-2 sa Arthur Ashe Stadium nitong Biyernes.

Sa kaagahan ng second set, minasahe at binalutan ng tape ng trainer ang tuhod ng 32-anyos na Spaniard.

Pinalagyan din ni Nadal ng tape ang parehong tuhod sa five-set victory kay Dominic Thiem sa quarterfinals, pero sinabi ng Spanish Warrior na nagsimula ang “issue” sa second-round match pa niya sa Open.

Sa pangatlong pagkakataon sa kanyang 283 grand-slam matches, nag-retiro si Nadal.

“I felt something on the knee at 2-2 in the first set,” aniya. “I said to my box immediately that I felt something on the knee. I was just trying to see if in some moment the thing can improve during the match. But no, was not the day.”

Hindi na raw niya kinaya ang sakit kaya umayaw na.

May 17 grand slam titles si Nadal, tatlo sa likod ni Roger Federer.

Sa Linggo, hahamunin ni Del Potro si Djokovic na 6-3, 6-4, 6-2 winner kay Kei Nishikori sa isa pang pares ng semifinals.