Abante Tonite Interactive

Nadal vs. Kyrgios sa China Open final

20

Naihulma nina Rafael Nadal at Nick Kyrgios ang duelo sa finale ng China Open.

Sinipa ni top-seeded Nada­l si third seed Grigor Dimitrov 6-3, 4-6, 6-1 sa semis, minadali naman ni Kyrgios si no. 2-seed Alexander Zverev 6-3, 7-5 sa isa pang pairing.

Sa head-to-head ay 2-2 sina Nadal at Kyrgios, pero tinalo ng Australian si Spa­niard Nadal nang huling magkita sa Cincinnati quarterfinals noong August, sa straight sets pa.

Abante Hiring – IT dep

Huling ibinulsa ni Nadal ang China Open title noon pang 2005.

Sa women’s, showdown naman sa titulo sina Simon­a Halep at Caroline Garcia.

Pinag-impake ni Hale psi French Open champio­n Jelen­a Ostapenko 6-2, 6-4 para selyuhan ang No. 1 ranking sa WTA. Siya ang kauna-unahang Romanian player na uupo sa No. 1.

Kinalos ni Garcia si Petr­a Kvitova 6-3, 7-5 sa kabilang pairing.