Abante Tonite Interactive

Nadala kay James Kris ayaw nang conjugal property

By
1,420

tonite-imo-vinia-vivarSa kanyang Instagram ay sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng isang netizen kung may chance ba na mag-date sila ni Atty. Gideon Peña, ang lawyer na nali-link sa kanya.

Kaaliw ang sagot ni Kris na si Atty. Peña raw ang gagawa ng kanyang pre-nuptial agreement na as we all know ay kasunduan ng isang magkarelasyon bago ikasal regarding ownership of their respective assets.

“No, we are friends… but he’ll have the privilege & “horror” (take note not honor) of helping in the drafting of my PreNup if & when the opportunity arises,” sagot ni Kris.

Abante Hiring – IT dep

So, alam na. Balak magpagawa ng prenup agreement ni Kris kapag nag-asawa siya ulit at hindi na conjugal property tulad ng nangyari sa first marriage niya with James Yap.

Needless to say, nadala na si Kris sa nangyari sa kanila ni James na nang maghiwalay sila ay nahirapan pa silang partehin ang kanilang conjugal property.

Samantala, natanong din si Kris kung paano siya nakaka-cope up sa stress at sa mga pangba-bash sa kanya ng mga tao.
“You don’t get contracts worth mine if you aren’t ready to open yourself up to everyone’s right to have an opinon…I think I stay strong because the 2 people who matter most –kuya josh & bimb love me so much & they just want me to be healthy and happy,” sagot ni Kris.

Sa tanong naman kung ano ang gusto niyang i-remake na classic Vilma Santos movie kung bibigyan siya ng chance, sagot ni Kris, “wala akong karapatan to mess with perfection.”

Nagpa-question and answer si Kris sa kanyang followers last Friday at ayon nga sa caption niya, sinusunod niya ang bilin ng doktor na magpahinga.

“I obeyed my doctor to not stress myself, rest, recuperate, and get healthy so i’d be cleared for the next 2 weeks of nonstop work…” ani Kris.