Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine ayaw ipa-tattoo si James sa katawan

0 163

Sa panayam ni Karen Davila, sinabi ni Nadine Lustre, na feeling niya nahanap niya ang bagong sarili sa panahon ng pandemya.

Nagkaroon daw siya ng panahon para makapag-pokus sa itinuturing niyang isa pang passion, ang musika.

Nagbukas din daw ito ng iba pang oportunidad para ma-explore niya ang talent niya sa songwriting.

Blessing in disguise rin daw ang community quarantine dahil nagkaroon siya ng time na maka-bonding ang kanyang pamilya.

Noong nakaraang taon din daw, naging plantita siya.

Kasama siya sa pagpapalago ng plant shop na ipinundar ng kanyang ina.

Sa pagtatanim ng mga halaman, nagpapatugtog daw siya ng musika sa Spotify bilang paraan ng bonding para lumago ang mga ito.

Sa naturang panayam, ibinida rin niya na may 14 na tattoo siya sa katawan.

May tattoo raw siya na pampa-good vibes tulad ng titulo ng kanta ng Dharma Down na paborito niyang banda.

May rose, growing vine, heart, Ma Cherie at crescent moon tattoos din daw siya na nagsisilbing reminders sa kanya tungkol sa self-love, humility at purpose.

May Ohlala tattoo rin daw siya dahil fan siya ni Lady Gaga.

Wala raw naman siyang tattoo ni James at di niya bet na idagdag pa ito sa listahan ng mga marka niya sa katawan.

Regarding James, despite their breakup in 2019, nananatili raw silang magkaibigan.

Marami rin daw siyang life lessons na natutunan sa sinapit ng kanyang kapatid na nagpatiwakal at sa hiwalayan nila ni James.

Feeling niya, mas tumatag daw ang pagkatao niya sa mga unos na pinagdaanan niya sa kanyang buhay.

Jomari damay sa ‘parinig’ kay Anjo

Nagpakawala ng sunod-sunod na cryptic posts si Jacqui Manzano tungkol sa irresponsible parenting sa kanyang Instagram account.

Kahit walang direktang tinutumbok, nakuha agad ng mga netizen na ang TV host -actor na si Anjo Yllana umano ang kanyang pinaruringgitan.

Sa isang post, iniisa-isa pa niya ang dapat na responsibilidad ng isang padre de pamilya.

May hugot na dialogue pa itong: ” I didn’t know I have to be the Father and the Mother since the father of my children is still alive.”

Ito pa ang ilan sa mga pasaring at quotes niya na ikinaloka ng mga netizen.

“A good father is a man who supports his children even if he has no money.”

“The best gift that a father can bestow upon his child is to arrange good education and training for him. “

“Fatherhood is a lifetime responsibility with its challenges, sweetness and bitterness. “

May pahirit pa itong: “kusa, voluntary responsibility.”

Parang malakas na sampal naman ang hanash niyang: “Being irresponsible runs in your family? “

Dahil dito, may nag-emote na bakit pati raw si Jomari Yllana, brother ni Anjo ay damay sa di pagkakaunawaan ng dalawa?

Narito ang comment ng ilang netizen.

“I understand where Jacqui is coming from pero parang di maganda ang nag paparinig sa social media for all to see and gossip. Tingin ko mas lalo lang syang hindi bibigyan ng sustento ni deadbeat father pag ganyan hinihiya nya. Mas lalo lang yan mag mamatigas.”

“Ano nga ibibigay kung walang pera? walang kita? dont get me wrong pero noon naman suportado naman ni anjo lahat sa kanya even her studies. so pag wala maibigay ngayon wala na agad kwenta? minsan kailangan mo din intindihin yung sitwasyon ng iba. sya lang ba ang magulang as nanay kung may work ka di ikaw muna magpuno ng hindi kayang ibigay.”

“Social media cant help you, Jacqui. Well it would, if you want public sympathy. But if you want the moolah, sue the guy . Yan ang tamang gawin. Kuda sa social media platforms is just plain cheap.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.