Abante Tonite Interactive

Nadine bet tawaging ‘President’ sa Twitter

0 314

Nagsalita na si Nadine Lustre sa meme na ilang taon nang nagte-trending sa socmed. Nandiyan na tawagin siyang President Nadine Lustre sa Twitter na muli na namang bumalik nga-yong eleksyon.

May mga larawan pa nga niya at pain-ting ang kumakalat suot ang Filipiniana at animo’y presidente ng bansa.

Related Posts

Positibo naman ang naging reaksyon ng aktres at labis siyang natutuwa na nakikita siya bilang inspirasyon.

“Honestly it’s just really nice to be someone a lot of people look up to, na ako ‘yung parang inspiration nila, na they look at me as someone who’s strong, who is very empowered, someone who is inspiring also,” sambit niya sa presscon ng Viva sa kanya.

Simula nu’ng pasukin niya ang showbiz ay nais niyang maimpluwensyahan ang mga tao na maging masigasig sa pag-abot ng kanilang pangarap.
Masaya ang aktres na maging role model para sa kanyang mga fan. (Ronaline Avecilla)