Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine ‘di kayang lamunin ni Liza

0 69

NI: ARCHIE LIAO

Tinanong si Nadine Lustre kung ready na ba siyang i-invade ang Hollywood to pursue her dream.

Walang pretensyon namang sinagot ng Urian best actress na hindi niya pinangarap na magkaroon ng career sa ibang bansa.
“No, I’m not ready, just because I know how harsh Hollywood is. I get that (Hollywood) is so grand and there’s so much pressure that comes with it, so I’m not ready for that,” pahayag niya.

Kahit naman masasabing walang malisya o may mabuting intensyon ang sinabi ni Nadine, may mga mahadera namang pilit iniisyu na nagpaparunggit daw umano ito kay Liza dahil sa grandiosong ambisyon ng huli to make it in Hollywood.

On the other hand ,inamin naman ni Nadine na dahil nasa isang kuwadra na sila ni Liza, excited na raw siyang makatrabaho ito lalo pa’t kung may ilalatag na proyekto sa kanilang dalawa.

May kibitzers namang nang-iintriga na kung sakaling magkakaroon ng acting project together ang dalawa, hindi raw kaya lamunin ni Nadine si Liza pagdating sa pag-arte.(Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.